Nais ni Senator Grace Poe na palawakin pa ang sexual harassment sa bansa at isama ang paggamit ng teknolohiya sa pampublikong lugar, trabaho at paaralan.
Ayon kay Poe kailangang amyendahan ang Republic Act No. 7877 o Philippine Anti-Sexual Harassment Act of 1995, dahil limitado ang saklaw ng umiiral na batas. “This proposal seeks to correct those limitations and expand the definitions so this form of violence against women is eliminated,” aniya.
Binanggit ni Poe na hindi saklaw ng RA 7877 ang sexual harassment sa pampublikong lugar, at napaparusahan lamang ito sa kasong Acts of Lasciviousness. - Leonel M. Abasola