Nagsagawa ng pagsasanay ang Embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur, Malaysia kaugnay sa registration/certification ng overseas Filipino workers para sa 2019 national elections.
Dumalo sa training ang 40 mga tauhan ng piling Embahada at Konsulado ng Pilipinas sa Asia Pacific region na nagsilbing Commission on Elections (Comelec) at ng Department of Foreign Affairs-Overseas Voting Secretariat (DFA-OVS). Isinagawa ito mula Nobyembre 21 hanggang 25 sa Kuala Lumpur Convention Center.
Target nng DFA-OVS at Comelec Office para sa Overseas Voting ang kabuuang 1.1 milyong bagong overseas voter registrants. (Bella Gamotea)