Dapat magtulungan ang Local Government Units (LGUs) upang maisulong ang turismo bilang suporta sa hamon ng Department of Tourism (DoT) batay sa mga planong kaunlaran na nais matamo ng administrasyon sa 2040.
“Towns and provinces should not look only for their own interests in the tourism pie but should look at how they can interconnect and relate to each other in terms of tourism development and promotion,” diin ni Senator Nancy Binay.
Binubuo ngayon ng National Economic Development Authority (NEDA) ang 25-taon vision ng pamahalaan na tinaguriang “Ambisyon Natin 2040.” (Leonel M. Abasola)