kathryn-at-daniel_please-crop-copy-copy

NANG makausap ng reporters si Daniel Padilla sa trade launch ng ABS-CBN noong isang araw, isa sa mga inusisa kung ano ang kanyang birthday gift sa inang si Karla Estrada na nagdiwang ng kaarawan kamakailan.

“Wala pa,” natawang pag-amin ni DJ na agad naman niyang binawi. “Pero meron tayong binabalak, pero hindi pa lang na’bibigay sa kanya. ‘Yung wish ko sa kanya siyempre ‘yung ipagpatuloy niya ang pag-aalaga niya sa amin, ang mga pangaral niya na walang katapusan at siyempre ang kasiyahan. Sa mga blessings na dumarating sa kanya ngayon sana tuluy-tuloy na dumarating and marami pa sana siyang matulungan na tao.”

Dahil sa pangaral ng kanyang Mommy Karla, natutuhan niyang maging ‘big kuya’ at good provider sa mga kapatid.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“’Yun ‘yung mga bagay na ‘tinuturo sa akin ng erpat ko. Talagang ‘pag magbibigay ka, magbigay ka nang buong puso.

‘Pag magbigay ka, magbigay ka nang buo, huwag ka magbigay ng kalahati, ‘yung buo lang,” katwiran ng binata.

Ipinakita sa trade launch ang gagawin niyang projects, kaya nalaman na magiging hectic ang susunod na taon sa kanya.

May gagawin silang bagong movie at teleserye ni Kathryn Bernardo. Next year din balak ng aktor na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa college.

“Next year papasok na ako. Gusto ko talagang maka-try na mag-experience ‘yung pumapasok na ako ng college. And interesado na ako. Ito na ‘yung stage na gusto mo nang may matutunan kang iba and hindi mo rin kasi masasabi. Gusto ko mag-Psychology at saka Philosophy,” pahayag ni Daniel.

“’Yun ang mga gusto ko aralin sa ngayon. Pero hindi ko pa alam sa future kung ano ang papasukan ko. Hindi ko naman alam kung sakto ‘yung course ko sa mangyayari sa future, pero iba pa rin kasi ‘yung may learning ka, di ba?” aniya.

Magiging busy man sa school si DJ, nangako silang dalawa ni Kathryn sa kanilang fans na regular pa rin silang mapapanood sa TV at big screen.

“May movie and teleserye namin ni Kathryn and meron din akong concert next year. And sa ngayon ‘yun pa lang ‘yun, ‘yun muna,” sabi ni DJ. (ADOR SALUTA)