CABANATUAN CITY - Walang dapat ikabahala ang mamamayan sa Central Luzon dahil sa kabila ng pagkawala ng halos 1.5-milyong kaban ng palay dahil sa magkasunod na paghagupit ng bagyong “Karen” at “Lawin” noong nakaraang buwan ay nananatiling sapat ang supply ng bigas sa Nueva Ecija.

Sinabi ni National Food Authority (NFA)-Region 3 Director Amadeo De Guzman na may sapat na imbak na bigas sa mga bodega ng NFA dahil na rin sa mga palay na inani sa ilang lalawigan sa rehiyon na hindi naapektuhan ng bagyo.

Dagdag pa ni De Guzman, sapat ang supply ng bigas hanggang sa matapos ang susunod na cropping season.

(Light A. Nolasco)

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match