gabby-concepcion-copy-copy

PERSONAL na ring nayakap ni Gabby Concepcion ang pangatlo niyang anak na si Cloie Syquia Skarne, na dumating ng Pilipinas nang maging kinatawan ng Sweden sa Miss Earth beauty pageant.

Bata pa kasi nang dalhin si Cloie ng inang si Jenny Syquia sa Sweden at kahit umuuwi ng Pilipinas ang dalaga, hindi sila nagkikita ng ama dahil either wala si Gabby o too busy ang schedule ni Cloie para magkita sila.

Pero nagkita at nagkausap na si Gabby at si Cloie na umiyak nang yakapin niya dahil ang tinanong niya kung ang nararamdaman nitong pagmamahal sa tunay na ama ay tulad din ng nararamdaman niya sa kinilalang ama.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Ayon kay Gabby, hindi nawawala sa isip niya si Cloie at alam niyang one day ay siya na mismo ang lalapit dito.

“Kaya ang pasasalamat ko kay KC, ang anak kong iyan, ang naglalapit, hindi siya naglalayo sa akin at sa mga kapatid niya,” sabi ni Gabby. “Pero sabi ko nga kay Cloie, hindi man siya nagwagi ng title, panalo na rin siya dahil umabot siya sa top ten. Mahiyain kasi si Cloie.”

Nanghinayang si Gabby na hindi niya napagsama-sama ang lima niyang anak sa isang picture, ang tatlo niyang dalaga at ang dalawa niyang anak ngayon na si Sam (8) at si Vana (4). May pictures daw siya lagi ng mga anak niya simula pa noong maliliit sila.

Nakausap namin si Gabby sa pictorial ng bago niyang afternoon prime sa GMA 7 na Ika-6 Na Utos na magtatampok sa kanila ni Sunshine Dizon at Ryza Cenon, sa direksyon ni Laurice Guillen.

“Iyon ang gusto ko sa mga ginagawa ko ngayon sa GMA-7, iba-iba. Iyong una kong project dito, Because of You with Carla Abellana, nagustuhan ko kasi first romantic-comedy series ko ‘yon. Ngayon, sa una kong project after akong mag-sign ng exclusive contract sa GMA, may sitcom ako every Sunday Afternoon, ang Tsuperhero na isa naman akong pulis.

First time ko namang gagawa ng drama series sa afternoon prime. Then, dream come true sa akin ang role ko rito, na isang pilot. Frustrated pilot kasi ako, kaya nahilig akong mag-travel dahil hilig ko talagang lumipad. Tuwing magti-taping ako sa Ninoy Aquino International Airport, feeling ko nagpapalipad na ako talaga ng airplane.

“At sa project na ito, first time kong makakatambal si Sunshine Dizon. Actually, hindi ito ang una naming pagsasama sa isang project dahil noong seven years old pa lamang siya, nakasama ko na siya sa Huwag Kang Hahalik sa Diablo.

‘Tapos ngayon, asawa ko na siya dito sa soap namin. First time ko ring makakatambal si Ryza Cenon who will play my mistress.

“Ang Ika-6 Na Utos ay buhay nating lahat. May message kami sa viewers, at ipauuna ko nang hindi ko gustong gawin ang character ko rito, nangyari na lamang at nangyayari sa tunay na buhay. As per my experiences, meron akong pwedeng i-impart sa audience namin. May isa rin akong iiwanang tanong sa aming serye: ‘Misis, paano kayo makasisiguro na hindi kayo iiwan ng inyong asawa para sa ibang babae?’”

Mapapanood na simula sa December 5 ang Ika-6 Na Utos after ng Eat Bulaga. (NORA CALDERON)