Ipatutubos sa mas murang halaga ang 400 balikbayan boxes na hindi na na-claim sa Manila International Container Port (MICP).

Ito ay matapos hilingin ng Bureau of Customs (BoC) sa Pherica International, nanalo sa public bidding, na i-release ang balikbayan boxes sa mga may-ari sa murang halaga, kaysa isubasta ang 400 boxes na mula sa US-based international cargo forwarder na RDR Forwarding.

Ayon sa BoC, nabigo ang nasabing forwarder na makakuha ng lokal na forwarder na magpoproseso sa shipment dahil nabangkarote na ang kumpanya. Nang isailalim sa bidding, nanalo ang Pherica International na nagsabing makikipagkoordinasyon sila sa MICP para maproseso ang pagpapalabas ng mga kahon.

Sa ilalim ng Section 1129 ng Customs Tariff and Modernization Act (CMTA), ikukunsiderang abandonado ang isang shipment kapag hindi nakulekta sa loob ng 30-araw. (Argyll Cyrus B. Geducos)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'