Nobyembre 23, 1936 nang ilathala ang unang isyu ng Life magazine, kalakip ang litrato ni Margaret Bourke-White sa cover.

May misyon na “show” kaysa “tell” ang balita, binili ng American publisher na si Henry Luce ang pangalan ng publication mula sa orihinal na nalugi noong Great Depression at muling inilunsad bilang pictorial magazine na nagkakaloob sa mga American “to see life; to see the world; to eyewitness great events … to see things thousands of miles away …”

Kasunod ng matagumpay na publication, umabot sa mahigit walong milyong kopya ng Life ang naibenta, na nag-impluwensiya sa buhay ng mga American hanggang sa kalagitnaan ng ika-20 siglo. Naging mahigpit ang labanan sa telebisyon, naging weekly na lang ang publication nito noong 1972, at naging weekly supplement sa American newspapers noong 2004.

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya