Pansamantalang naantala ang biyahe ng Metro Rail Transit (MRT-3) kahapon ng umaga nang masira ang ilang bahagi ng riles nito sa Quezon City.

Batay sa abiso ng Department of Transportation (DoTr), nabatid na dumanas ng problemang teknikal ang MRT-3 dakong 6:12 ng umaga sa pagitan ng Santolan/Annapolis at Cubao stations northbound dahil sa sirang riles.

Dakong 6:20 naman ng umaga nang pansamantalang sinuspinde ang southbound trips ng MRT-3 sa Cubao hanggang Santolan station at nagpatupad ng provisional service operation mula Shaw Boulevard at Taft Avenue station.

Inabot rin ng kalahating oras ang limitadong operasyon ng mga tren bago ito naibalik sa normal dakong 6:50 ng umaga.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

(Mary Ann Santiago)