IPINAGMAMAYABANG ng kaanak ang bagets na miyembro ng male group na sikat na raw dahil ito ang paborito ng TV executive ng network na kinabibilangan nito.

Kuwento sa amin ng kaanak ng miyembro ng male group, hindi raw talaga mawawalan ng project ang kapamilya niya dahil gustung-gusto ito ng TV executive at sa katunayan ay sinasabihan pa raw na ito talaga ang pinakasikat sa grupo at pasisikatin pa nang husto.

Mukhang totoong sikat na nga dahil kaliwa’t kanan ang projects niya.

Pero nakukulangan pa rin kami sa acting ng bagets. Sana ay mag-aral siyang umarte nang maayos para hindi naman mapahiya ang TV executive na tumutulong sa kanya at naniniwalang sisikat siya nang husto. (Reggee Bonoan)

Tsika at Intriga

'Bad!' Andrea Del Rosario, sad at dismayado sa 'young artistas' ngayon