“SURE na sa box office ang Babae sa Septic Tank 2 (Quantum Filns) at Die Beautiful (Idea First) at malamang mag-number three ‘yung Vince & Kath & James ng Star Cinema.”

Ito ang buod ng usap-usapan ng mga katoto sa get-together ni PAO Chief Persida Acosta with entertainment press sa Shangri-la Fine Cuisine nitong Lunes ng tanghali.

Nakakatawa na mainit na topic pa rin at marami ang naninibago sa walong pelikulang napili sa 2016 Metro Manila Film Festival at maging sa isang programa sa radio ay narinig namin ang kilalang news anchor na nagsabing, “Sa malamang flopsina ang Metro Manila Film Festival ngayon.

“Kasi nakasanayan na naming mag-ina at mga pamangkin ko na manonood ng Metro Manila Film Festival, eh, ‘pag sinabi kong, ‘C’mon, let’s watch MMFF at babanggitin ko ang mga palabas, baka sabihan ako ng, ‘who are they? Where’s Enteng, where’s Vice etcetera.’

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

“Not for anything else, alam ko naman na good intention talaga ang gusto ng selection committee, pero naman, huwag naman baguhin. Aminin natin, MMFF is a fund-raising project, hindi ba? So, paano kung langawin ang MMFF ngayong taon?”

Ang hirit naman ang aming mataray na katoto, “Bakit hindi umalma si Boots (Anson-Roa Rodrigo), hindi ba nakikinabang din sa kita ng MMFF ang Mowelfund? Paano kung hindi kumita this year?

“’Yun kasing mga miyembro ng selection committee na ‘yan, mga miyembro sila ng UP Film Center, siyempre, alam mo na.

Kaya ka nga nanonood ng sine para ma-entertain para mawala ang stress hindi ‘yung pag-iisipin ka pa kung ano’ng mangyayari sa pelikula.”

Anyway, para sa supporters ng mga pelikulang hindi nakasama sa Magic 8 ng MMFF, mapapanood ninyo sa Nobyembre 30 ang The Super Parental Guardians; sa Disyembre 7 naman ang Enteng Kabisote 10 at sa Disyembre 14 ang Chinoy: Mano Po 7.

Nakakatuwa ang mga producer ng Star Cinema, Regal Entertainment at M-Zet, Bossing DMB dahil nagkaisa sila na ipalabas na lang bago mag-MMFF ang kanilang mga pelikula. At higit sa lahat, hindi sila nagsabay-sabay ng petsa dahil nagbigayan sila.

Ang tanong, kailan naman ipalalabas ang natitirang 16 movies na hindi rin pumasa sa screening committee ng Metro Manila Film Festival? (REGGEE BONOAN)