NAMATAANG nakasuot ng Filipino-made na sapatos ang Harry Potter star at malapit nang maging Disney princess na si Emmy Watson sa isang film benefit sa Museum of Modern Art sa New York City noong Martes, Nobyembre 15.
Gawa ang sapatos ng Susi Studio, na itinatag ng Filipino designer na si Bianca Moran.
Nagdidisenyo ang shoe brand, na nakabase sa Los Angeles, ng mga vegan at sustainable na footwear.
Para sa Chanel film benefit, nakasuot si Watson ng Hey Simone, itim na mid-heel sandal na kumuha ng inspirasyon sa kilalang French feminist na si Simone de Beauvoir.
Nakasuot si Watson ng itim na semi-silk dress at itim na choker, na may katamtamang make-up.
Kilalang advocate si Watson ng sustainable at environment-friendly fashion.
Dati na rin siyang namataan na nakasuot ng Calvin Klein gown na gawa sa recycled plastic bottles sa 2016 Met Gala.
Si Watson, na malapit nang mapanood sa silver screen sa The Beauty and The Beast, ay United Nations Women Goodwill Ambassador. (MB Entertainment)