ILOILO CITY – Nagsimula na ang taunang ban sa pangingisda sa Visayan Sea.

Nobyembre 15 nang sinimulang ipatupad ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang tatlong-buwang ban sa pangingisda ng herrings, mackerels at sardinas.

Sinabi ni BFAR-Region 6 Director Remia Aparri na ang taunang ban, na nagsimula noong Nobyembre 1989, ay alinsunod sa Fisheries Administrative Order No. 167-3 sa layuning maresolba ang pagkaunti ng herrings, mackerels at sardinas sa Visayan Sea.

Tatagal hanggang Pebrero 2017, saklaw ng fishing ban ang Gigantes Island sa Iloilo, ang dulo ng hilaga-silangan ng Bantayan Island sa Cebu, ang Olutayan Island hanggang Culasi Point sa Capiz, kanluran ng Guimaras Strait, at hilagang baybayin ng Negros Island.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang mga lalabag ay mahaharap sa anim na buwang pagkakakulong o pagbawi ng fishing permit at lisensiya. (Tara Yap)