bb-gandanghari-copy

MARAMI agad ang nag-like, pati kapwa celebrities gaya nina Lorna Tolentino at Marjorie Barretto, sa magandang ibinalita ni BB Gandanghari sa pamamagitan ng huling post niya sa Instagram.

“This is it! And I thought this day would never come. And I thank my GOD and my LORD for making these things happen.

Everyhting makes sense now... and to this great country the United States of America for providing this #basichumanright... Thank you!!! #officiallyBBlegallyGandanghari.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ganap nang babae si BB Gandanghari, kaya masayang-masaya siya at pati na ang mga kaibigan niya. Wala pang reaction ang pamilya ni BB Gandanghari lalo na si Robin Padilla dahil overwhelmed naman ito sa absolute pardon na ibinigay ni Presidente Rodrigo Duterte.

Nakasulat sa picture na ipinost ni BB Gandanghari ang Orange County Court at obvious na ito ang naggawad ng desisyon.

Siyempre, may mga negative reactions, pero hindi na ‘yun pinapansin ni BB.

Nasa California si BB Gandanghari ngayon, nag-aaral sa UCLA at nabasa namin sa post niya ang School of Theater, Film.