MELBOURNE, Australia (AP) – Sinilaban ng isang lalaki ang kanyang sarili sa loob ng isang bangko sa Australia, at nadamay sa sunog ang lima pang nakatambay sa lugar.

Ayon sa pahayag ng isang ambulance service, 21 pang katao kabilang ang mga bata at matatanda ang ginamot sa ospital dahil sa mga pasong tinamo nang magkaroon ng sunog sa sangay ng Commonwealth Bank of Australia sa Springvale, Melbourne nitong Biyernes ng umaga.

Ayon sa pulisya, isinugod sa ospital ang 21-anyos na suspek na malubha ang kalagayan at mahigpit ngayong binabantayan ng mga pulis. Lima pang katao na nagtamo rin ng grabeng mga paso sa katawan ang naospital.

Iniimbestigahan pa ang motibo ng suspek.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa