LOS ANGELES (AFP) – Ang Denver ang naging unang lungsod sa United States na isinabatas ang social use ng cannabis o marijuana sa mga negosyo, kabilang na sa mga bar, yoga studio at art gallery.

Ang bagong ordinansa ay bahagi ng ilang marijuana measures na dinesisyunan ng mga botante sa siyam na US states sa general election noong nakaraang linggo.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa

Pinahihintulutan ng Initiative 300 ang mga pribadong negosyo sa kabisera ng Colorado na makakuha ng permit upang maglaan ng mga lugar kung saan maaaring magdala at gumamit ng cannabis ang mga customer.