Inihayag kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief, Director General Ronald Dela Rosa na panahon na para ibalik ang death penalty sa mga sangkot sa ilegal na droga.

Ang pahayag ni Dela Rosa ay kasunod ng pagkakaaresto sa apat na indibidwal noong Martes ng hapon sa pagkakasabat sa 45 kilo ng shabu sa isang bodega sa Banaue St., Barangay Manresa, Quezon City.

Ayon sa PNP chief, ang Barangay Manresa ay pinamumunuan ng isang Chairman Cierero Ada, na ngayon ay iniimbestigahan ng Department of Interior ang Local Government (DILG).

Ayon sa PNP chief, kailangang maibalik na ang death penalty para sa drug dealers. (Fer Taboy)

Tsika at Intriga

Lakbayaw heartthrob Marco Navarra, sasabak na sa pag-aartista!