WASHINGTON (AFP) – Nagbitiw ang isang mayor sa West Virginia sa gitna ng kontrobersiya kaugnay sa racist post nito sa Facebook na inilarawang ‘’ape in heels’’ si First Lady Michelle Obama.

Si Beverly Whaling, ang mayor ng maliit na bayan ng Clay ay nagbitiw noong Martes matapos ulanin ng batikos.

Ayon sa local television news channel na WSAZ, matapos mahalal si Donald Trump ay nag-post si Clay County Development Corp. director Pamela Ramsey Taylor ng: ‘’It will be refreshing to have a classy, beautiful, dignified First Lady in the White House. I’m tired of seeing a Ape in heels.’’ Na sinagot ni Whaling na: ‘’Just made my day Pam.’’

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'