WELLINGTON, New Zealand (AP) — Sinimulan ng New Zealand noong Martes ang rescue operation sa daan-daang turista at mga residenteng na-stranded sa coastal town ng Kaikoura matapos ang malakas na lindol na pumutol sa linya ng tren at sumira sa mga daan.

Sinabi ng defense force na sinimulan ng military helicopter ang paglilikas sa mga tao at isang barko ng navy mula Auckland ang nakatakdang dumating doon ngayong Miyerkules ng umaga.

Tumama ang magnitude 7.8 na lindol sa South Island noong Lunes ng umaga, na ikinamatay ng dalawang tao at nagbunsod ng maliit na tsunami.

Gumuho ang malalaking bato at lupa sa mga bundok pababa sa mga kalsada at bumuka ang ilang daan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Tahanan ng halos 2,000 katao, dinarayo ang Kaikoura para sa whale-watching expeditions at magandang tanawin sa kabundukan. Ngunit sinira ng lindol ang linya ng tubig at sewer systems at walang madaanan ang mga tao.

“From all directions, Kaikoura has essentially been isolated,” sabi ni Air Commodore Darryn Webb, acting commander ng New Zealand’s Joint Forces. “We’re going to get as many people and belongings out as quickly as we can.”

Nilibot ni Prime Minister John Key flew ang Kaikoura sakay ng helicopter. Mula sa himpapawid nakita niya ang mga natumbang sasakyan at mga sirang daan. “It’s just utter devastation,” ani Key.