derrick-copy-copy

PREMIERE airing na ngayong gabi pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa GMA Sunday Grande ang bagong Pinoy superhero comedy adventure na Tsuperhero na orihinal na konsepto ni Michael V.

Bida si Derrick Monasterio bilang Nonoy, ang jeepney driver na dahil sa misteryosong bagay na nanggaling sa ibang planeta ay nagiging superhero. Katambal niya si Bea Binene na gaganap naman bilang si Eva.

Tiniyak ni Direk LA Madridejos na masisiyahan ang Kapuso viewers sa bawat episode ng Tsuperhero.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

“’Yung humor, comedy at fantasy, iyon po ang pinipilit at tina-try naming pagsamahin ngayon. And so far sa script at sa meeting ng creative team, hindi puwedeng simpleng comedy lang, kailangan may basehan. ‘Yun po ‘yung purpose kaya nag-immersion si Derrick at si Bea. Hindi nila puwedeng magampanan ‘yung role kung hindi nila na-experience mag-drive ng jeep. And we promise na as the series goes along, maraming bago silang mapapanood. At doon naman kilala ang GMA, sa pag-i-explore ng gray areas ng soap o series. Isa ang Tsuperhero sa part ng pag-i-explore na ‘yon.”

Excited din siya sa iba’t ibang superpower ni Tsuperhero at maging ng mga kontrabida na lilitaw sa show.

“Si Tsuperhero hindi lang mali-limit sa teleportation. Marami siyang ii-explore na powers. At iba’t ibang kalaban ang aabangan sa bawat episode. Sinusubukan nating tapatan sina Sandman. May susubukan tayong mala-Transformers.

Definitely, ang mga makakalaban ni Tsuperhero, something na manggagaling sa kalye.”

Makaksama nina Derrick at Bea sina Gabby Concepcion, Alma Moreno, Albert “Betong” Sumaya, Philip Lazaro, Miggs Cuaderno, Valentin, Annalyn Barro, Jemwell Ventenilla, at Kuhol.