Tiniyak kahapon ng Philippine National Police (PNP) na hindi nila isasama sa Oplan Tokhang ang Department of Education (DepEd).

Ipinabatid ni PNP Chief, Director General Ronald Dela Rosa, kay DepEd Secretary Leonor Briones na walang paaralang isasama ang PNP sa kanilang mga kakatukin pang establisyemento, alinsunod sa kanilang anti-illegal drug campaign.

Sinabi naman ng kalihim na suportado nila ang kampanya ng PNP kontra sa ilegal na droga.

Sa katunayan, pinapaigting umano ngayon ng DepEd ang anti-drug education sa iba’t ibang paaralan sa bansa.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

(Fer Taboy)