Nilinaw ng Commission on Elections (Comelec) na magsisilbi hanggang sa 2017 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ang incumbent barangay officials.

Paliwanag ng Comelec, pinalawig ang term of office ng mga incumbent barangay officials alinsunod sa Republic Act 10923 o An Act Postponing the October 2016 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections.

Batay sa Section 3 ng Implementing Rules and Regulations ng naturang batas, ang incumbent barangay officials ay mananatili sa puwesto sa ‘hold-over capacity’ hanggang sa makapaghalal ng kanilang kapalit. (Mary Ann Santiago)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter