BATANGAS CITY - Naisip ng mga opisyal sa Barangay Sta. Rita Aplaya sa Batangas City na maglunsad ng paligsahan sa paggawa ng parol kalahok ang mga sumuko sa Oplan Tokhang.

Ayon kay Pangulong Olive Perez, nasa 55 adik at tulak ang boluntaryong sumuko sa Bgy. Sta. Rita Aplaya at 37 sa mga ito ang sumali sa nasabing paligsahan.

Anim na grupo na may lima hanggang pitong miyembro ang maglalaban-laban, habang isang barangay kagawad sa bawat grupo ang gagabay sa parol making ng mga kalahok.

May sukat na 1.5 metro, ipinagbabawal ang paggamit ng plastic at styrofoam sa gagawing parol. Ang maaari lamang gamitin ay papel, karton at mga galing sa halaman o puno, o indigenous materials.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ang grupong susungkit sa unang gantimpala ay tatanggap ng P5,000 cash, at P3,000 at P2,000 naman sa first at second placer.

May consolation prize din na P1,000 para sa mga lumahok.

Sa Disyembre 1 idaraos ang awarding ceremony sa covered court ng barangay. (Lyka Manalo)