GUIMBA, Nueva Ecija - Huling-huli sa kanilang pot session ang dalawang lalaki na kaagad na dinakip ng mga nagpapatrulyang Barangay Patrol Action Team sa Barangay Lennec sa bayang ito, nitong Huwebes ng madaling-araw.

Naaktuhang humihitit ng hinihinalang shabu sina Allan Javier y Racho, 27, binata, ng Bgy. Pacac; at Jeffrey Linsangan, na nahulihan din ng dalawang transparent plastic sachet ng shabu at drug paraphernalia sa peryahan sa nasabing barangay.

Ayon kay Supt. Rechie Duldulao, hepe ng Guimba Police, itinimbre sa kanilang himpilan ang pot session sa peryahan kaya mabilis silang rumesponde. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay