pacman-copy

BINIGYAN ng GMA Network ang eight-division world champion na si Manny Pacquiao ng welcome celebration nang umuwi siya ng bansa nitong nakaraang Martes.

Dumalo ang top executives and officers ng GMA kasama ang ilang special guests sa breakfast na inorganisa para kay Sen. Pacquiao ng kanyang home network upang ipagdiwang ang pagkapanalo niya laban kay Jessie Vargas.

Kasama ng People’s Champ sa larawan sina GMA SVP for Entertainment Lilybeth Rasonable (una sa kaliwa), Solar Entertainment Chairman William Tieng (ikalawa sa kanan), at Solar Entertainment President and CEO Wilson Tieng (una sa kanan).

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ang kanyang pinakahuling laban na tinaguriang “Resurgence: Pacquiao versus Vargas” ay eksklusibong napanood sa Philippine free TV sa GMA noong November 6 at sa Solar Sports sa cable.