UNITED NATIONS (AP) — Nakapangako ang International Criminal Court (ICC) na gawing prayoridad ang Libya sa susunod na taon at palalawakin ang mga imbestigasyon, kabilang na ang diumano’y mga seryosong krimen ng teroristang grupo na Islamic State at mga kaalyado nito, sinabi ng prosecutor noong Miyerkules.

“The situation continues to deteriorate and innocent civilians continue to bear the brunt of the fighting between the warring factions vying for control of Libyan territory,” wika ni Fatou Bensouda sa UN Security Council.

Ang pagpatalsik sa diktador na si Moammar Gadhafi noong 2011 ay nagdulot ng kaguluhan sa Libya. Dahil wala nang namumuno, naging breeding ground ang bansa ng mga militanteng grupo kabilang na ang IS at al-Qaida, at naging gateway ng libu-libong migrante mula Africa at iba pang bansa na tumatawid sa Mediterranean patungo sa Italy.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina