SCIENCE CITY OF MUNOZ, Nueva Ecija – Isang preso sa himpilan ng pulisya rito ang biglang nawalan ng malay at pinaniniwalaang inatake sa puso sa loob ng kanyang selda nitong Martes ng gabi.

Kinilala ng Munoz Police ang nasawi na si Rodelio Cruz y Sta. Maria, nasa hustong gulang, na matagal nang nakapiit sa hindi binanggit na kaso.

Ayon kay PO1 Isee Lloyd Corpuz, dakong 6:25 ng gabi nang biglang makaramdam ng paninikip ng dibdib si Cruz hanggang mawalan ng malay at mapahandusay sa semento. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Sabunutan ng ilang LGBTQIA+ members at isang babae, sumiklab sa kasagsagan ng Simbang Gabi