Bubuksan ng Senate Public Order and Dangerous Drugs Committee ang imbestigasyon sa pagkamatay ni Albuera Mayor Rolando Espinosa sa Baybay, Leyte nitong Sabado, matapos pagdudahan ng mga senador ang pangyayari.

Sinabi ni Sen. Panfilo M. Lacson, chairman ng komite, kailangan umanong kumbinsihin ng Philippine National Police (PNP) officers na sangkot sa raid na may katwiran ang pagbaril kay Espinosa.

‘’It was a rubout,’’ ayon naman kay Sen. Juan Miguel Zubiri. ‘’This is where the credibility of the Duterte administration comes into play. The suspects must be arrested and accused of murder accordingly.”

Inimbita ng komite ni Lacson sa imbestigasyon sina Leyte Gov. Dominico Petilla; Police Supt. Marvin Marcos, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) region 8 director, at Region 8 team leader Chief Inspector Leo Laraga.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa panig ng Malacañang, tiniyak na kaisa nito si dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino sa paghahanap ng katotohanan, kaugnay sa pagkakapatay kay Espinosa.

Magugunitang sinabi ni Aquino na tututukan nito ang imbestigasyon kaugnay sa pagkakapatay kay Espinosa na sinasabing isang kaso ng extrajudicial killing.

Sinabi ni Communications Sec. Martin Andanar, inaasahan nilang magiging patas at transparent ang Philippine National Police (PNP) sa kanilang imbestigasyon.

“We assure everyone, including former President Noynoy Aquino, that we are one with the entire country wanting to find out the truth surrounding the tragic death of Albuera town Mayor Rolando Espinosa,” ani Andanar.

Iginiit ni Andanar na hindi kinukunsinti ng administrasyon ang summary killings sa bansa.

(Mario Casayuran at Beth Camia)