Halos isandaang tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang itinalaga para mangasiwa sa pagpoproseso ng mga dokumento ng mga delegado mula sa mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na dadalo sa iba’t ibang pagpu- pulong na gaganapin simula ngayong buwan hanggang sa susunod na taon.

Binuo ni BI Commissioner Jaime Morente ang isang special task force group, na kinabibilangan ng 95 immigration officers (IO), immigration duty supervisors at intelligence agents, na itatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at iba pang puwerto.

Iniutos ni Morente sa mga miyembro ng task force na tiyakin ang immigration formalities at port courtesies sa mga delegado. Ang unang pagpupulong ay ang 6th ASEAN Chief Justices’ Roundtable on Environment, gaganapin sa Nobyembre 5-14, sa Puerto Princesa City, Palawan. (Mina Navarro)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter