LLANERA, Nueva Ecija - Dalawang taon pa ang lumipas bago tuluyang bumagsak sa kamay ng batas ang matagal nang tinutugis ng Llanera Police sa kasong rape, sa isinagawang manhunt operation sa Barangay Caridad Sur, nitong Huwebes ng tanghali.

Kinilala ni Senior Insp. Jonathan S. Romero, hepe ng Llanera Police, ang suspek na si Francisco Ramirez y De Guzman, magsasaka, ng Bgy.Caridad Norte.

Nasakote ang suspek sa bisa ng arrest warrant na ipinalabas ni Judge Johnmuel Mendoza, ng Regional Trial Court ranch XXXVI ng Cabanatuan City, na may petsang Agosto 13, 2014 at walang inirekomendang piyansa. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Tatay na patungo sanang Negros para sa anak na may sakit, nawawala!