PAGBILAO, Quezon – Kinumpiska ng mga tauhan ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ng lokal na pulisya ang ilang ilegal na pinutol na Kamagong at dinakip ang nagbibiyahe nito sa Barangay Bukas sa bayang ito, noong Huwebes.

Sa ulat ni Ramil Limpiada, ng Pagbilao-CENRO, tinangka ni Carmelito A. Dela Vega, 56, driver, at taga-Bgy. 6, Lucena City na ibiyahe ang walang dokumento na 20 mahahabang troso ng Kamagong na tinatayang nasa 876.17 board feet at nagkakahalaga ng P131,425. 50.

Sasampahan si Dela Vega ng paglabag sa Section 68 ng Revised Forestry Code at sa Department Administrative Order 97-32 ng DENR. (Danny J. Estacio)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito