Sumakabilang buhay na sa edad na 84 ang longtime director ng Doraemon TV series na si Tsutomu Shibayama kamakailan.
Ang pagpanaw ni Shibayama ay inanunsyo ng Ajia-do Animation Works Inc. at international media nitong Martes, Marso 17.
Anila, ang dating direktor ay pumanaw noong Biyernes, Marso 6, dahil sa Lung Cancer.
“Our former President and CEO, Tsutomu Shibayama, passed away on March 6, 2026, due to lung cancer. He was 84 years old,” saad sa website at X post ng Ajia-do Animation Works Inc.
Binanggit din ng animation studio na dinaluhan ng mga kalapit na kapamilya ang libing ni Shibayama at magalang nilang tinanggihan ang anumang floral tributes, abuloy, o mga pagbisita ng iba pang nakikiramay.
“The funeral was held privately with only close family members present, in accordance with the wishes of the bereaved family. We respectfully decline any floral tributes, monetary gifts, or visits of condolence,” saad ng Ajia-do Animation Works Inc.
Bilang pagrespeto sa kahilingan ng pamilyang naiwan, isang memorial service ang pinaplano ng Ajia-do sa iba pang araw, kung saan, magbibigay sila ng update petsa, oras, at lokasyon, sa mga nais magpaabot ng kanilang pakikiramay.
“We are planning to hold a memorial service at a later date. We will inform you of the date, time, and location as soon as they are decided,” anunsyo ng animation studio.
Si Shibayama ay ipinanganak noong 1941 at nakilala siya bilang “Father of Japanese National Animation.”
Ilan sa mga kilala niyang obra sa larangan ng pelikula ay ang Doraemon, Chibi Maruko-chan, Moomin, Nintama Rantaro, at Majime ni Fumajime Kaiketsu Zorori.