laro ngayon

(Philsports Arena)

(Spikers’ Turf)

10:30 a.m. – Air Force vs IEM

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

12:30 a.m. – Cignal vs Champion Supra

(V-League)

4 p.m. – BaliPure vs Customs

6 p.m. – Pocari vs UST

Agawan sa silya sa kampeonato ang walong koponan ngayong hapon sa Shakey’s V-League Season 13 Reinforced Conference Final Four tampok ang powerhouse casts na wala isa mang makapagsasabing kanilang taglay ang malaking bentahe kontra sa kanilang mga katunggali sa PhilSports Arena.

Kaya naman muling inaasahan ang “slambang action” sa pagtatapat ng apat na semifinalists sa dalawang pares na kinabibilangan ng tapatan ng Balipure at Bureau of Customs sa unang salpukan sa ganap na 2:00 ng hapon at ang salpukan ng Pocari Sweat at University of Santo Tomas sa ganap na 4:00 ng hapon.

Taglay ng Pocari Lady Warriors ang manpower at momentum kontra sa All-Filipino line-up ng UST Tigresses na sasandigan naman ang kanilang malaking puso sa muli nilang pagtutuos, ang ikalawa sa loob ng nakalipas na tatlong araw.

“The chemistry is there on and off the court so the team is doing well,” ani Pocari coach Rommel Abella matapos magtala ang kanyang Lady Warriors sa 6 na sunod na panalo. “We also must become aggressive with our attacking game,” dagdag nito.

Sa kabila ng kawalan ng reinforcement, napatunayan ng Tigresses na kaya nilang makipagsabayan sa mga koponang may mga mahuhusay na imports sa pangunguna nina EJ Laure , Marivic Meneses, Pam Lastimosa, Carla Sandoval at Cherry Rondina.

Inaasahan ang dikdikang salpukan sa duwelo ng BaliPure at Customs kung saan patutunayan ng Water Defenders na kaya nilang umusad sa finals kahit wala ang dating ace spiker na si Alyssa Valdez, na siya namang sasandigan ng baguhang Transformers kasama ang dalawa nilang Thai imports.

Bagaman nagawa nilang talunin noong elimination round ang Customs, nais ni BaliPure skipper Charo Soriano na paigtingin pa ang kanilang depensa partikular kay Valdez at kina Thai reinforcements Kanjana Kuthaisong at Natthanicha Jaisaen.

“Our main concern is our defense. We knew we’re doing good but we have to double our efforts especially on defense because the playoffs are different from the elimination round,” ani Soriano na aasahan naman para mamuno sa kanilang koponan sina imports Katherine Morrell at Kaylee Manns kasama ang locals na sina Dzi Gervacio, Sue Roces, Mae Tajima at Amy Ahomiro.

Samantala, inaasahan ding matitinding salpukan ang natutunghayan sa Spikers’ Turf Season 2 Third Conference Final Four kung saan magtutuos ang Cignal at Champion Supra sa ikalawang laro sa ganap na 12:30 ng hapon matapos lamang ang tapatan ng Air Force at Instituto Estetico Manila sa ganap na 10:30 ng umaga. (Marivic Awitan)