Magtatalaga si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ng ‘mommy traffic enforcers’ sa mga paaralan sa lungsod.

Ayon sa alkalde, magiging pangunahing trabaho ng mommy traffic enforcers na alalayan sa pagtawid at pagsakay ang mga mag-aaral upang makaiwas sa aksidente.

“Bilang mga ina, makakasiguro tayo na gagampanin nila ang kanilang tungkulin nang buong puso,” ani Erap.

Mayroong 144 mommy traffic enforcers ang sasanayin ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) bilang auxiliary traffic aides, at sasailalim sa basic traffic management at road safety training. Tig-dalawang mommy traffic enforcers ang itatalaga sa bawat paaralan. (Mary Ann Santiago)

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'