Nagsilikas ang daan-daang sibilyan makaraang magkasagupa ang dalawang kumander ng Moro National Liberation Front (MNLF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Matalam, North Cotabato, iniulat ng pulisya kahapon.

Takot nang bumalik sa kani-kanilang bahay ang 140 pamilya na nagsilikas mula sa Purok 7 sa Barangay Kidama, Matalam.

Ayon sa report ng Matalam Municipal Police, nagkasagupa ang tropa nina Kumander Tato Manial ng MNLF at Kumander Tony Pulalong ng MILF sa nasabing barangay.

Nagpapatuloy pa rin ang sagupaan sa nasabing lugar, bagamat wala namang naiulat na casualties sa labanan.

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!

Away-pamilya ang sinasabing dahilan sa labanan ng dalawang opisyal. (Fer Taboy)