Tiniyak ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) na mahigpit nilang ipatutupad ang liquor ban sa paligid ng University of Santo Tomas (UST) sa Sampaloc, Manila, sa apat na Linggo ng buwang ito para sa 2016 bar examinations.

Ayon kay MPD Director Police Senior Supt. Joel Coronel, layunin ng liquor ban na masigurong magiging tahimik at ligtas ang pagdaraos ng eksaminasyon.

Magiging epektibo ang liquor ban sa hatinggabi bago ang bar exams, hanggang sa hatinggabi ng sumunod na araw.

Gaganapin ang bar examinations sa Nobyembre 6, 13, 20 at 27. (Mary Ann Santiago)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter