balang-copy

NATULOY na ang nabanggit ni Balang sa interview sa kanya sa #Like na pupunta siya sa London para mag-guest sa show ni Ellen DeGeneres. Pero hindi sa The Ellen Degeneres Show maggi-guest si Balang kundi sa Little Big Shots, isang kiddie talent program na produced ni Ellen.

Nasa Borehamwood, North London si Balang at totoo nga ang naikuwento ni Katotong Allan Diones na maraming foreigner fans si Balang. Nabanggit ni Allan na nang isulat niya si Balang at i-post ang article tungkol dito, marami ang nag-comment at nag-like sa article niya from different parts of the world.

Nababasa namin ang comments sa ipino-post na picture ni Balang sa kanyang social media account at merong taga-London na gusto siyang makita.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Anyway, locally, sa #Like ng GMA-7 napapanood si Balang dahil exclusive contract star siya sa GMA Artist Center.

Naaliw kami sa kuwento niya na nagda-diet siya at after 6 PM, hindi na siya kumakain at matagal na siyang hindi kumakain ng rice. Ang reklamo ng bagets, mabagal siyang magbawas ng timbang. (NITZ MIRALLES)