TARLAC CITY – Isang driver ang kinasuhan ng paglabag sa Anti-Violence Against Women and Children ng sarili niyang asawa makaraang abandohin ng una ang kanyang paamilya sa Tarlac City.

Sa ulat kay Tarlac Chief of Police Supt. Bayani Razalan, ang kinasuhan ay si Michael Gungab, 34, may asawa, ng Peñablanca, Barangay Parabba, Tuguegarao City. Inihabla siya ng asawang si Aida, 35, na kasalukuyang nakatira sa Bgy. San Sebastian, Tarlac City.

Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Marie Larmalyn Nuñez, Oktrubre 2015 nang nagsimulang magtrabaho sa Pampanga si Michael hanggang sa matuklasan ng misis na may kinakasama na itong iba, at hindi na rin mahagilap para hingian ng suporta. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog