PALIBHASA showbiz ang kinokoberan namin kaya nakilala namin ang beauty queen na magiging representative natin sa nalalapit na beauty contest sa 2017 na namimili sa bazaar sa Eastwood City Walk kamakailan kasama ang nag-aartistang boyfriend.

Nagulat kami dahil palakad-lakad lang si Beauty Queen na hindi man lamang pinapansin ng madlang pipol, as in at mas tinitingnan pa ang boyfriend niya na namumukhaang artista.

Nakagugulat na hindi kilala si Beauty Queen ng mga tao sa Eastwood. Okay naman ang porma niya, nakamaong na palda at blouse, ‘yun lang, wala siyang make-up kaya ‘mukha’ tuloy one of those lang.

Pero bakit naman si Pia Wurtzbach, maging noong hindi pa tinatanghal na Miss Universe ay nakikilala agad kahit naka-leggings at shirt lang na palakad-lakad sa Araneta Center at kung minsan ay nagja-jogging pa?

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Madalas ding tumambay noon si Pia sa coffee shop na malapit sa Gateway Mall entrance at talagang marami ang nagpapa-picture na sa kanya.

Ibig sabihin, mas natatandaan talaga ng tao si Pia kaysa sa binabanggit naming beauty queen na maganda naman kung tutuusin, ‘yun nga lang, para sa amin ay hindi stunning ang kanyang beauty.

Abangan na lang natin kung maiuuwi niya ang korona sa beauty contest na sasalihan niya sa 2017, sana nga manalo siya.

Clue? Kailangan pa ba? (REGGEE BONOAN)