Nobyembre 2, 1947 nang sa una at huling pagkakataon ay lumipad sa Long Beach, California sa United States ang Hughes Flying Boat na idinisenyo at minaniobra ng Hollywood movie producer na si Howard Hughes.
Tinawag na “Spruce Goose” dahil sa kulay nitong white-gray, ang pinakamalaking binuong eroplano ay may laminated birch at spruce, at ang pakpak ay mas malapad pa kaysa isang football field. Idinisenyo ang US$23-million na eroplano upang maghatid ng hanggang mahigit 700 sundalo sa labanan.
Sa kabila ng matagumpay nitong unang paglipad, hindi naisakatuparan ang pinlanong mass production ng Spruce Goose, dahil marahil hindi sapat ang kahoy nitong istruktura upang suportahan ang bigat nito sa mahahabang biyahe, ayon sa mga kritiko nito.