CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga – Patay ang isang 18-anyos na lalaking drug suspect matapos niyang tinangkang barilin ang pulis na poseur buyer sa isinagawang buy-bust operation sa Sta. Maria, Bulacan kahapon, ayon sa mga ulat sa Police Regional Office (PRO)-3.

Kinilala ni Senior Supt. Romeo Caramat, Jr., acting director ng Bulacan Police Provincial Office, ang napaslang na si Marco James Manzanares, alyas Marco, ng Barangay Guyong, Sta. Maria, Bulacan.

Dakong 6:50 ng gabi nitong Linggo nang mapatay si Manzanares makaraang manlaban sa buy-bust operation at tinangkang barilin ang pulis na poseur buyer gamit ang isang pen gun. (Franco G. Regala)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?