mylene-copy

KABILANG sina Mylene Dizon, Epy Quizon, Tom Rodriguez at Joel Torre sa mga artistang nagpa-drug test. Sina Mylene, Epy at Joel, sa PNP sa Camp Crame pa nagpa-drug test at si Epy, sinamahan pa ni Cesar Montano.

Biniro nga si Epy na “mayabang” daw dahil sinamahan pa ni PNP Chief Ronald dela Rosana magpa-drug test. Saka bago isinagawa ang drug test, nakasalo pa nina Epy at Cesar sa lunch ang PNP chief.

As of press time, hindi pa lumalabas ang resulta ng drug test ng tatlo.

Human-Interest

ALAMIN: Pinoy mountaineer na nasawi sa Mt. Everest, ina-advocate ‘clean water,’ ‘cure children’s cancer’

Si Tom ay sa Hi-Precision Diagnostics Plus sa Power Plant Mall nagpa-drug test noong October 5. Ipinost ng manager nitong si Popoy Caritativo ang resulta ng drug test. Puro negative si Tom sa cocaine, ecstacy, opium, methamphetamine at tetrahydrocannabinol.

Samantala, patuloy na pinaiiyak at pinagre-react nina Tom at Lovi Poe ang mga sumusubaybay sa Someone To Watch Over Me sa kanilang mga eksena. Apektado ang viewers sa lumalalang Alzheimer’s disease ni TJ (Tom) dahil nasasaktan na niya si Joanna (Lovi).

Off-cam, masaya sa taping lalo’t may baby silang kasama, si Baby Joshua, gumaganap na anak nina TJ at Joanna. 

Gigil na gigil ang buong cast sa baby na marunong mag-project at umarte. (Nitz Miralles)