BAMBAN, Tarlac – Isang pinaghihinalaang drug pusher na matagal nang minamanmanan sa kanyang ilegal na operasyon ang nalambat ng mga awtoridad sa poblacion ng Barangay San Nicolas sa bayang ito, nitong Biyernes ng umaga.

Sa ulat ni PO3 Domingo Lorenzo, naaresto si Eric Adrias, 45, binata, ng nasabing barangay, at nasamsam mula sa kanya ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng hindi pa matiyak na gramo ng shabu at marked money.

(Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog