b9561423bcdb46bd9f956f733fdb8bd4-copy

CLEVELAND (AP) – Naitala ng Cavaliers ang ikatlong sunod na panalo ngayong season ang dominahin ang Orlando Magic, 105-99, nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Hataw si LeBron James sa naiskor na 23 puntos, habang kumana si Kyrie Irving ng 20 puntos.

SPURS 98, PELICANS 79

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa San Antonio, tuloy din ang pamamayagpag ng Spurs, sa pangunguna ni Kawhi Leonard, na kumana ng 20 puntos sa panalo kontra New Orleans Pelicans.

Nag-ambag si Patty Mills ng 18 puntos at kumubra si LaMarcus Aldridge ng 12 puntos.

BLAZERS 115, NUGGETS 113

Sa Denver, naisalpak ni Damian Lillard ang floater sa krusyal na sandali para sandigan ang Portland Trail Blazers kontra Nuggets.

Ratsada si Lillard sa naiskor na 37 puntos mula sa 15 of 27 field goal.

Nag-ambag si CJ McCollum ng 23 puntos para sa ikalawang panalo ng Portland sa tatlong laro.