untitled-1-copy-copy

Westbrook, nag-apoy sa Thunder kontra Suns.

OKLAHOMA CITY – Naglagablab si Russell Westbrook sa paghulog ng 51 puntos at isang triple-double bago isinalpak ang winning points para sa Oklahoma City Thunder upang itakas ang 113-110 overtime panalo kontra sa Phoenix Suns Biyernes ng gabi.

Ayon sa rekord ng Thunder, ito ang unang 50-point triple-double sapul nang magtala ng isa si Kareem Abdul-Jabbar noong 1975. Tinapos ni Westbrook ang laro na may 13 rebound at 10 assist kasama ang career-high 44 shots.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Nagawang ilusot ni Westbrook ang isang lay-up upang itulak ang Thunder sa isang puntos na abante sa huling 7.6 segundo ng laro.

Sumablay naman si Phoenix Devin Booker sa kanyang lay-up na naging daan sa pag-foul kay Westbrook.

Isinalpak ni Westbrook ang kanyang 50th at 51st puntos s free-throw line sa natirang 3.5 segundo.

Pinilit ng Suns na itulak sa ikalawang overtime ang laro subalit sumablay si Booker sa 3-pointer sa pagkaubos ng oras.

Si Westbrook ay may 17 of 44 from the field, 2 of 10 sa 3-point range at may 15 of 20 free throws.

Una nang itinala ni Westbrook ang 38 career triple-double. Umiskor ito ng 39 puntos sa second half at sa overtime.

Itinala naman ni T.J. Warren ang kanyang career-high 30 puntos para sa Suns.

Abante ang Suns ng kabuuang 18 sa unang yugto bago pinigilan ng Oklahoma City ang Phoenix sa 5-for-26 shooting sa ikalawang yugto upang lumapit sa 53-49. (AP)