DAVAO CITY – Inilunsad noong nakaraang linggo ni Mayor Sara Z. Duterte ang Kean Gabriel hotline, ipinangalan sa tatlong taong gulang na bata na namatay dahil sa pang-aabuso ng kanyang ama sa unang bahagi ng taong ito.

Binigyang awtorisasyon ni Duterte ang 24/7 hotline na 0908-8184444, na maaari na ngayong i-text o tawagan upang isumbong ang pang-aabuso sa mga bata.

Ang nasabing hotline ay nasa ilalim ng Quick Response Team for Children Center of City Social Services and Development Office (QRTCC-CSSDO), at binubuo ng mga social worker, pulis, health professional, at paralegal.

(Yas D. Ocampo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog