Nagbunga ang lahat ng pagsisikap, sakripisyo, at panalangin ni Kylie Verzosa matapos siyang koronahan kahapon bilang Miss International 2016 sa Tokyo, Japan.

Hindi binigo ni Kylie ang pag-asa ng bawat Pilipino na muling masusungkit ng Pilipinas ang titulo makaraang mabigong maiuwi ito ni Janicel Lubina noong nakaraang taon.

Ito ang ikaanim na Miss International title na nasungkit ng Pilipinas, na ang huli ay napanalunan ni Bea Rose Santiago noong 2013. (Ellaine Dorothy S. Cal)

National

Lotto winner sa Laguna na 30 years nang tumataya, kumubra ng ₱70M premyo sa PCSO