elnella-copy

HININGAN ng reaksiyon ng mga katoto si Janella Salvador, nang dumalo sa PMPC Star Awards night, hinggil sa paghihiwalay ng ka-love team niyang si Elmo Magalona at ng dating girlfriend nito na si Janine Gutierrez.

Ang mabilis na sagot ng young actress, wala siyang maibibigay na reaksiyon. Wala naman daw siyang ginawang masama at mas makakabuti kung ilalayo na lang niya ang sarili sa naturang isyu.

“Wala akong dapat na ibigay na reaksiyon d’yan. As long as wala naman akong ginawang masama, I’d rather stay out of that, dahil I’m not involved naman diyan,” sabi ni Janella.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Pero inamin ng magandang Kapamilya young actress na labis siyang nalungkot para sa leading man niya.

“Of course, I feel bad for Elmo dahil kaibigan ko siya. If I have to comfort him, andito lang naman ako para sa kanya,” sambit ng itinanghal na Best Female Recording Artist of the Year.

Napalapit na rin naman siya kay Elmo kaya batid ni Janella ang posibilidad na mag-level-up ang pagiging magkaibigan nila, lalo na nga’t sila ang magka-love team at maaaring sila pa rin ang magkapareha sa mga susunod na proyekto nila sa Dos.

“Basta tingnan na lang natin. Sa totoo lang naman, Elmo is very caring as a friend. He will always think of others din, pero as I have said, tingnan na lang natin,” saad ng magaling na aktres at mang-aawit. 

Samantala, tuwang-tuwa si Janella at hindi raw niya maipaliwang ang naramdaman nang tawagin ang pangalan niya bilang Best Female Recording Artis nang gabing yun.

First award niya ito sa larangan ng musika na hindi niya inaasahang mapapasakanya.

“Siyempre, sobrang thankful ako dahil na-recognize ang talent ko sa pag-awit. Hindi ko talaga inaasahan ito. Music is really a big part or my life. I’m just so very happy for this award for the first time,” banggit pa ni Janella na mahigpit ang pagkahawak sa napanalunang tropeo habang kausap namin. (JIMI ESCALA)