Isang barker na umano’y tulak ng ilegal na droga ang napatay ng riding-in-tandem sa Parañaque City, kahapon ng umaga.

Dead on the spot si Raymundo Ferrer, 34, ng Sto. Niño, Barangay San Dionisio ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa katawan.

Sa ulat na natanggap ni Parañaque City Police chief Sr. Supt. Jose Carumba, dakong 9:00 ng umaga nangyari ang pamamaril sa harap ng post office sa Bgy. La Huerta.

Abala umano ang biktima sa pagtatawag ng pasahero nang sumulpot ang riding-in-tandem hanggang sa pinagbabaril ang una.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa nakalap na impormasyon ng pulisya, kilalang tulak si Ferrer sa Bgy. La Huerta. (Bella Gamotea)