HINDI man nanalong Best Actress si Ryza Cenon sa katatapos na Quezon City Film Festival awards night para sa pelikulang Ang Manananggal sa Unit 23B ay para na ring panalo ang pakiramdam niya sa kanyang nominado at mga papuri sa papel niya bilang fearless manananggal sa iniarte niyang sensitibong eksena na talagang pinag-usapan ng lahat ng mga nakapanood.

Ipinost ni Ryza sa kanyang Facebook account ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nagtiwala at pumuri sa pagganap niya sa naturang pelikula.

“Ngayong gabi (Biyernes), natapos ang screening ng Ang Manananggal sa Unit 23B. At ito na ang pagkakataon kong magpasalamat sa lahat.

“Una sa lahat, gusto kong magpasalamat kay Lord na ibinigay niya sa akin itong blessing na ‘to dahil matagal ko ipinagdasal sa kanya na makuha ko at ibinigay Niya sa akin. Salamat din sa QCinema for recognizing me, isa ko sa nominated bilang Best Actress.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

“Sa bumubuo ng Ang Manananggal Sa Unit 23B, from staff to utility at lalung-lalo na sa Best Director namin, si Direk Prime (Cruz), kila Jen,Tey, Che-Che, Adi, Ice, sa Best AD para sa akin, Direk Chad at sa pinakapaborito kong PA, si Coke.

“Salamat sa pag-aalaga sa akin at sa paniniwala na kaya kong ilipad si Jewel pataas at nalipad ko nga siya!!! Sa mga co-actors ko, Tita Vangie (Labalan), congrats po, Martin (del Rosario) and Cholo (Barretto) salamat rin sa support.

Hindi magiging makulay ang buhay ni Jewel kung hindi dahil sa inyo.

“Sa Idea First, kila Direk Jun (Lana), Direk Percy (Intalan) and Kuya Omar (Sortijas), thank you sa tiwalang ibinigay n’yo sa akin.

“Sa GMA and GMA Artist Center, kila Ms. Gigi, Boss Vic, Ms. Lou and sa unit ko, salamat sa inyo na sinoportahan n’yo ako na gawin ko ang obra nila Direk Prime and Jen. Alam kong natakot kayo nu’ng una dahil sa mga sensitive scenes pero ‘binigay n’yo ‘yung buo n’yong tiwala at paniniwala sa kakayahan ko.”

Hindi pinayagan ni Ryza ang kanyang lola kahit na gustung-gusto siyang mapanood ng aktres.

“Sa family ko, sa kuya ko, kay Mallows and Marshe at lalung-lalo na sa lola ko na kahit hindi ko pinayagan manood naka-support pa rin. Sorry Ma, baka kasi tumaas ang presyon mo kapag napanood mo pero salamat ng marami sa inyo na lagi kayong nandiyan sakin.

“Sa mga kaibigan ko, sa Ryza believers, sponsors, one hike, frenemy at sa mentor ko na kahit ilang oras lang ‘yun sobrang laki ang naitulong n’yo po sa akin, Ms. Angeli Bayani thank you po.

“At sa mga nanood at sumuporta ng Manananggal at ng QCinema, maraming salamat. Hindi ko ma-explain ‘yung saya na nararamdam ko ngayon dahil lahat ‘to first time kong movie to at ang daming magagandang reviews.

“Ganito pala ‘yung feeling, ang sarap na nakakaiyak, nakaka-proud. Para na rin akong nanalo. Sobrang proud ako hindi lang sa Team Manananggal kundi sa lahat ng entry ng QCinema dahil napuyat, naghabol, naghirap tayo pero lahat tayo lumaban.

“Salamat QCinema, Indioboys & IdeaFirst Production sa experience. Salamat!

Sana naman sa magandang performance ni Ryza sa Ang Manananggal sa Unit 23B ay mapansin na rin siya ng GMA-7. Sana ay magkaroon din siya ng maraming project dahil marunong naman talaga siyang umarte at masipag pang mag-promote ng pelikula, ‘di ba, Direk Jun? (Reggee Bonoan)